pilipinas! salamat - paksyet sarap ulitin! ang saya saya! ahahaha (sorry in tagalog!)

Philippines Travel Blog

 › entry 100 of 106 › view all entries
sarap ulit-ulitin! tang ina ang saya! ahahahaha

homaygad malapit na akong matapos isulat itoooooowww! pero kailangan isulat ito sa salita natin! alam niyo kung bakiiiiiiitttttttttt?!!!! kasi naubusan na ako ng english! ahaha hindi ako nagbaon pagbalik ko ng alemanya! ahahaha por kilo daw ang bilangan, baka hindi ko mabayaran pagdating ko ng customs! ahahahaha.

ay nakow mga ate at kowya, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa, ang daming nangyari pagbalik ko ng plipinas, nagsama pa ako ng buntot na nagngangalang bentot! ahahaha.

hanak ng, akala ko pagdating ko ng pilipinas eh napakadali para sa akin! ang sakit kaya sa likod, feeling ko dinaig ko si tandang sora, biruin mo ba naman yung ticket na nabili ko, mura nga 20 oras naman ang stopover ko sa doha! ang masakit pa, ang chaka ng pagkain sa airport ha! merun ngang fast food na a&w, super tigas naman yung hotdog para akong kumain ng poste ng meralco, ang mahal pa ha! sa sususnod isasampal ko sa mukha nila ang hotdog nating purefoods! tender na juicy pa! ahahahah. taena natawa ako dun! ahhaha. at hindi ko maintindihan ang mga pilipino staff doon sa airpot, ang tataray nila ha! eh buti naman kung kagandahan sila eh hindi naman! laging nakasimangot! sinimangutan ako?!! at tinanong pa ako kung bakit ako uuwi ng pilipinas ng naka ismid?! ahahahah aba eh kung ayaw nila sa trabaho nila eh willing na willing ko silang palitan ano?! ahahahaha. hoy rhea mamaya sabihin mo na naman na nanlalait ako?! hahaha

natatawa pa ako pag datng ko ng pinas, kasi isang bag lang dala ko, hindi makapaniwala ang customs tinanong pa ako kung bakit isang bag lang dala at dissapointed ang mga hitad na wala silang makakalkal! aahaahaha

o di ba?! kalalapag ko lang ng pilipinas yun na kaagad sumalubong sa akin?! hindi pa ako makakain ng maayos dahil tang ina ang init! para akong nasa loob ng oven - buti kung la germania yung oven di ba?! ahaha.

anyway highway! tama na ang ratratan!  ahahaha

ang entry na ito ay isang pagpapasalamat ko at ni bentot na rin sa isang kakaiba at kamangha manghang pakikpagsapalaran namin sa las islas filipinas! oh my gulay, kung isusulat ko lahat baka hindi sila magkasya! baka sumabog itong entry na ito! ahahaha.

sympre ang una unang kong pasasalamatan ay yung mga travbuddies! itong mga pasaway na ito! hahaha salamat salamat sa ating maliit na pagtitipon, nakita ko rin mga pagmumukha niyo, tatandaan ko yan - mareport nga sa presinto! ahahah hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan kasi kilala niyo na kung sino kayo ano?! basta basta basta! salamat salamat! at sa mga travbuddies na taga pilipinas na na-meet ko na sa europa - nakakaiyak kayo, dahil talagang pumunta kayo para ma meet ako, pero sorry ha - kasi wala akong pasalubong sa inyo! nyahaahaha.

at sa muli kong pagsakay ng victory liner at lizardo trans papuntang sagada - wala pa ring pagbabago ang galing pa rin ng inyong serbisyo - ika nga ni kenny rogers - through the years ang pagsasamahan natin!

sa sagada, nagbago ka man ng anyo, dumami man ang mga yero at bahay na bato - at take not - aspalto na kalsada mo ha! huwaw! ahahahaha kung ano ang iniwan ko sa iyo, ay ganun din ang binalikan ko, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo mo sa akin. at dahil sa iyo sagada, nagkaroon ako ng panibagong ina, sa katauhan ni manang katrina, hinding hindi ko ho kayo makkalimutan manang, dahil bukod sa napakasarap ninyong gumawa ng pie, sa inyong "toothless smile" na nakakabasag ng puso, eh inaruga niyo kami ni bentot na para ninyong anak na rin, inialay ninyo ang munti ninyong tahanan para sa amin, kahit na sandaling oras, ay parang isang taon kaming tumira sa inyo, at in fairness manang katrina - bonggang bongga ang pagkanta ninyo ng shalom shalom with matching dancing ano?! ahahaha, naiintidihan ko kung bakit maraming nagmamahal sa inyo - at isa na ako dun.

at sa tiyahin ko sa iloilo at sa kapatid niya - at ang pamilya zapanta, franco at serra, walastik manay! spoiled na spoiled kami ha! ahahaha libre lahat, pagkain, hotel-hotelan na may aircon at malambot na kama, pati meryenda, at sasakyan - alam ko kung bakit :P ahahahaha hindi ko na sasabihin! baka magulat silang lahat. ahahaha. hingan pa ako ng donasyon dito, eh kuripot kaya ako. ahahahah.

at ito ang hindi ko talaga makakalimutan din! sa salcedo family, hanak ng, pasensiya na po! dahil umiral ang pagiging spoiled brat ko nung time na yun na nagbibiyahe tayo sa loob ng l300, nung nalaman kong anak pala ng mayor ng concepcion sa iloilo ang munti naming drayber nanliit talaga ako! at ito ang hinding hindi ko mappatawad sarili ko, nung inimbita niyo kami sa isla ng agho! isang pribadong isla na kayo nagmamay-ari! paksyet - pasensiya na po, tao lamang ako. pero in fairness! ang ganda ng isla!!! pwedeng pwede mag shootng ng blue lagoon! ahahaha at eto pa - bangka, pagkain at yung malalaking sugpo na binili ninyo na para sa akin - footang ina! libre!!!!!!!!!! hiyang hiya talaga ako, dahil gustong gusto kong bayaran lahat - at hinatid niyo pa kami sa iloilo city pag uwi! panalo panalo panalo ang hospitalidad ninyo - hindi lang kayo pati sambayanang pilipino na rin! mabuhay! ahahahaa.

hmmmm medyo galitan galitan ako sa cebu pacific - diyos mio, delayed ang flight namin - cancelled pa - pero pinaghotel niyo naman kami ^_^ libre pang breakfast - sige pinatatawad ko na kayo, pero hindi ko na uulitn mag book sa inyo! ahahaha sabi nga ni madame cory - tama na, sobra na! ahahaha.

at sa mga nakakaaliw na pasahero sa cebu pacific! imbes na ma-bad trip ako dahil yun din yung time na nasira yung camera ko, iba talaga ang humor ng pilipino, ang hindi ko talaga ma-take ay sabihing - ipapapulis at ipapakulong ko kayong lahat - do you know me?! litanya ng hitad ahahahahah. natawa talaga ako ng sobra! hahahaha.

ang sarap sarap talagang mag commute sa pilipinas!!! tuwang tuwa si bentot pag kami sumasakay ng bus, jeep na pampasahero, bangka at iba pa! nakaka nostalgic ding sumakay ng tas trans, dahil bus ko yun kapag napasok ako ng colegio, at dumaan ulit kami sa taft avenue - hinanahap ko yung masagana superstore sa may adamson - bakit wala na?! ahahaha.

nagpapasalamat din ako sa mga taong pinapsensiyahan kami - nung tinapon ni bentot yung balat ng mani sa bintana, eh dahil sa lakas ng hangin eh hinangin at bumalik yung mga balat  sa mga pasahero sa likod ng bus! ahahahaha.

ay diyos  mio, ang dami pang pasasalamatan yosi muna ako!

ok game!

eto rin - ang lucky me supreme! taena! hindi kami mabubuhay sa tuktok ng bundok ni bentot kung hindi sa iyo! ang nakakatawa pa - yung noodles na kinain ni bentot eh sinasala yung mainit tubig, hindi niya sinala  - huli na ang lahat nung makita ko, pero sabi niya masarap pa rin daw! ahahahah

tas tang ina naubusan rin kaming tubig nung nag camp kami sa taas ng bundok - ang lakas uminom ni bentot hindi marunong ng salitang hating-kapatid ahaha kaya ayun nagsalok ng tubig ulan para maluto namin yung noodles! ahahahaha ahahahahaha.

tang ina sumakit ipin ko sa baguio - yung napuntahan kong dentista, super bait at ma chika - sympre ininterbyu niya ako tungkol kay bentot - sabi ko si bentot ay isang kabigan - showbiz amputa! eh showbiz din kaya yung tanong niya?! ahahah chika chika kami bago bunutin ipin ko, isang oras kaya kami nag chikahan?! aahahaha nakatulog na si bentot sa waiting rooom. ahahaha.

at eto nakakatawa, kapag nasakay kami ng jeep, super abot si bentot sa pamasahe ng mga pasahero tas iaabot sa drayber! ahahaha first time daw niyang maka experience ng ganun tuwang tuwa amputa! ahahahaha a ganun ba?! o sige - pag tuwing nasakay kami ng keep sinisiko ko si bentot na iabot yung pamasahe ahahahahaha.

eto rin sa baguio! tang ina naloko kami ng sir picture sir! pucha mukhang itatakbo ng mokong yung camera ko! tas nanghingi pa sa amin ng balato dahil pinicturan daw niya kami, siniko ko sa bentot para bigyan niya ng bente pesos! ahahaha tas di kami tinantanan - isasama daw niya kami sa isang lugar sa bguio kung san nag shooting si sharon cuneta at gabby concepcion?! NAMAN kowya! eighties na eighties ang dating mo ano?! pero sorry hindi ko type sharon and gabby - kasi william and maricel ako! ahahahaha

haayyyy yosi break again!

naloka pa ako kay bentot nung sabihin niyang walang ka-style style ang mga pilipino magdamit nung kumain kami sa chowking hambalusin ko kaya ng ube at macapuno si bentot eh sa masa style kaya kami kumain! kapag dinala ko sa parlor si bentot bago magulat siya, dahil ang mga lalake doon ay naka headband at pekpek shorts! ahahahahahahah ahahahaha yan ang style! ahahahaha

nagpapasalamat din ako sa mga vendors, sa mga mumunting tindero at tindera - grabe - hindi niyo kami dinugas sa presyo ha! kahit singko centimos na patong eh hindi niyo kami pinatungan! saludo ako sa inyong honesty! because its such a lonely word! ahahah.

tang ina nung dinala namin ni ted si bentot sa chinatown, natakot si bentot! ahahaha pinagdiskitahan mg mga bakal boys habang kumakain kami sa eng bee tin! homaygash! akala ko talaga alamat lang ang eng bee tin! totoo pala na merun nun! aahahahahahaha

pati na rin papuntang anawangin - grabe kuya rico - ang aming munting bangkero - hindi niyo rin kami dinugas kung ano ang presyo yun din ang presyo! on time pa kayo ha! daig niyo ang german time! dahil advanced kayo ng isang oras! ahahahah. at hanep ang maliit na bangko mo papuntang anawangin! pang need for speed! keber ang malakas na alon, tuwang tuwa namain kami ni bentot dahil roller coaster ride! ahahahaha kulang na lang tumambling si bentot sa dagat at sumampa ulit sa bangka! ahahahaha

at sympre hindi ko rin makakalimutan si friendship, diyos me, halos ibigay na sa amin yung sasakyan ng pamilya niya para gamitin namin! ahaha at hindi lang yon! nainlab yata si bentot sa tinda mong mountain dew! ahahah masarap daw! ahahahaha

at ang konklusyon?

napakasarap umuwi ng pilipinas, ito na yata ang bansang pwede mong kunan ng pelikula kahit naglalakad ka lang! may aksyon, komedya at drama! ahahahahah

ibang iba rin ang pag-commute sa pilipinas! ibang klase - hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa! pero ang saya saya saya saya saya niya!

at ang pinakamasarap na gawin sa blog na ito?!

ang isulat lahat sa sarili nating wika!

amen!!!!


salamat salamat salamat pilipinas - you are the one!

in tagalog : ikaw ang nag iisang superstar! ahahahaha ahahahahah hhahaha noranian ito! hahaha


lauro says:
sige ^_^ siguraduhin mo lang na mataba ang piggy bank mo ^_^ ahahahahaa

dapat lang na magng mabait ka sa akin ^_^ malapit na ang 2nd semester ^_^ ahahah ahaha
Posted on: Jul 26, 2009
sunstroke says:
sasabog talaga un kasi puro barya :D

hindi ako mabait koyah, nagpaliban muna ng ratratan ang mga militar at rebelde sa mindanao kaya naisip ko na ipagpaliban din muna ang pangyuyurak sa pagkatao mo :p
Posted on: Jul 24, 2009
lauro says:
hahahaha laughtrip ang bakasyon ko sa pinas - kung kalapit lang ba ng sucat tatawid, kalentong o kaya zapote kabila ang pilipinas from germany eh linggo linggo ako nandyan! ahahaha
Posted on: Jul 24, 2009
Join TravBuddy to leave comments, meet new friends and share travel tips!
sarap ulit-ulitin! tang ina ang s…
Philippines Restaurants, Cafes & Food review
STARBUCKS in the PHILIPPINES!
normally i wouldnt write anything about starbucks. but this situation made it very special. when i was still living in the philippines, i usually g… read entire review